Wednesday, October 12, 2016

Construction ng mga kalsada sa Boracay, pinuna sa Sb Malay

Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinuna ngayon ni SB Nenette Aguirre-Graf ang mga ginagawang construction o pag-repair ng mga kalsada sa Boracay.

Laman ng Privilege Speech sa SB Session ni Graf, ang kaliwa’t kanan umanong pagbubungkal ng kalsada sa isla kung saan labis umano siyang nangangamba sa posibilidad na pangyarihan ito ng disgrasya ng mga tao lalong-lalo na ang mga motorista.

Aniya, dapat umano na aksyunan itong usapin kung saan nais niya ngayong magpasa ng resulosyon sa probinsya ng Aklan na kung pwedeng ibalik ang karapatan sa Malay at Boracay ukol sa usaping kalsada.

Nabatid kasi na itong pagpapaayos ng mga kalsada ay nasa otoridad ng probinsya ng Aklan.

Sinabi pa ni Graf na hindi naman ang probinsya ang nagdudusa kung sakaling may ma-disgrasya dito kundi ang mga residente lalo na ang turista.

Kaugnay nito, nais niyang ipatawag sa susunod na sesyon ang dalawang Water Company kung saan isa rin umano ito sa may proyektong ginagawa dahilan at may construction sila sa ibang area ng kalsada dito.

Samantala, itong usapin ay pag-uusapan muna nila sa komite kasama ang MPDC sa request nito tungkol sa re-classification ng mga kalsada sa Barangay at bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment