Posted September 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa-isa ngayong
nagbahagi ng kanilang kaalaman ang mga bisitang Speaker sa kung paano magsagawa
ng operasyon hinggil sa paghuli ng mga bumibenta ng iligal na droga.
Sa ginanap na
seminar sa Crown Regency Covention Center kanina, kinilala ang tatlong Speaker
na sina Atty. Ronald Floria, Acting Chief of Regional Legal Service Office VI,
Atty.Dennis Gabihan Legal Councel at Col. Carlos Gadapan.
Naging focus sa
topiko ni Gabihan ay sa kung paano magsagawa ng operasyon sa paghuli ng mga
bumibenta ng iligal na droga at pagtalakay kung ano ang nakapakaloob sa kasong Republic
Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.
Samantala, sa
naging topiko naman ni Gadapan na Drug Information Gathering and Investigation,
tinalakay niya dito ang mga paraan sa pagbebenta ng droga kung saan ang iba
dito ay nilulunok at dinadala sa ibang bansa.
Maliban dito, ibinahagi
niya rin kung ano ang mga dahilan kung bakit ang karamihan nito ay gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot.
Samanatala,
naging malaking tulong naman ito sa mga operitiba ng Boracay PNP, Task Group
Boracay-Philippine Army, SWAT at PNP Maritime Group kung saan sila mismo ay
bahagi sa mga pagsugpong ginagawa kontra iligal na droga.
No comments:
Post a Comment