Wednesday, September 21, 2016

Dalawang care taker sa boracay, arestado sa pagbebenta ng droga

Posted September 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Arestado ang dalawang Caretaker ng isang guest house matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Manoc-manoc kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Jasper Dela Rosa, 40-anyos ng New Buswang Kalibo at Reenan Enricoso, 34-anyos ng Consolacion, Cebu City.

Nahuli ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Malay MPS, Boracay PNP, Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT) at Maritime Group kung saan nahulihan ang dalawa sa pagbebenta ng isang plastic sachet ng suspected shabu na may kapalit na pera na P1,000.

Maliban dito nakuha pa sa ginawang body search kay Dela Rosa ang isang sachet ng hinihinalang shabu 38 revolver na kargado ng bala at isang unit ng cellphone habang nakuha naman kay Enricoso ang dalawang sachet ng suspected shabu at isang live ammunition ng kalibre 45.

Ang dalawang suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11, Article II of RA 9165 sa pagbebenta ng iligal na droga at RA 10591 sa paggamit ng baril.

No comments:

Post a Comment