Wednesday, September 21, 2016

Pag-isyu ng permit to transport para sa mga motorsiklo sa Boracay, sinuspendi

Posted September 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for LGU MalayPansamantala muna ngayong sinuspendi ng LGU Malay ang pag-isyu ng permit to transport sa Boracay.

Ito ang nakapaloob sa Memorandum Order No. 2016-42 ng  LGU Malay sa Transportation Office kung saan nag-uutos ito na suspendehin ang transport o permit to operate ng mga single motorcycle sa isla na epektibong ipinatupad nitong Biyernes.

Ang suspensyong ito ay may kinalaman sa dumaraming bilang ng motorsiklo sa isla kung saan laganap na rin ang mga illegal na nag-ooperate ng motorsiklo.

Kaya naman panawagan ng LGU Malay na huwag muna silang bumili ng motorsiklo na dadalhin sa Boracay dahil sa ngayon ay hindi pa sila makakapagbigay ng permit.

Samantala, kung sakaling maaktuhan naman ang mga driver ng motorsiklo na walang permit to transport ang kanilang motor na inisyu ng MTO ay huhulihin ang mga ito ng MAP at bibigyan ng kaukulang penalidad.

No comments:

Post a Comment