Posted September 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng mga naitatalang kaso ng Zika Virus sa
probinsya ng Iloilo, todo naman ang ginagawang paghahanda ng Aklan Provincial
Office (PHO) laban dito.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng PHO patuloy umano ang
kanilang ginagawang pagmo-monitor sa pamamagitan ng surveillance laban sa sakit
na Zika virus.
Ito umano ay kabilang sa category 2 kasama ng dengue na
ang ibig sabihin kada linggo ay multipliable ito at dapat na-ireport ng mga
Rural Health Units (RHU) at ng mga hospital sa Provincial Health Office (PHO).
Dahil dito nag-paabot naman si Dr. Cuachon sa publiko na
kung nakakaramdam umano sila ng sakit sa katawan kagaya ng lagnat, pananakit ng
kasukasuan, skin rashes at pamumula ng mata ay mag pakonsulta agad para
maagapan.
No comments:
Post a Comment