Tuesday, September 20, 2016

25-anyos na lalaki sa Boracay, pinagsasaksak ng hindi nakilalang lalaki

Posted September 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambronam, YES FM Boracay

Image result for stabbing incidentDuguan na isinugod sa pagamutan ang isang 25-anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng hindi nakilalang lalaki sa Mainroad ng Brgy. Manoc-manoc, kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Doroteo Aloysius, residente ng Lapaz, Antique at nagtra-trabaho sa Sitio Cagban ng nasabing Brgy.

Sa report ng biktima sa Boracay PNP, naglalakad umano siya pauwi sa kanyang boarding house habang tinatahak ang daanan sa Sitio Bantud malapit sa isang Videoke bar ng may dalawang lalaking humahabol sa kanya na may hawak na Ice pick.

Dito ay agad umano siyang inundayan ng mga ito ng apat na saksak na tumama sa likod na parte ng kanyang katawan habang mabilis ding nakatakas ang suspek.

Agad naman na dinala ang biktima sa malapit na pagamutan sa isla ngunit minarapat naman ng doktor na sumuri dito na dalhin nalang ito sa hospital sa bayan ng Kalibo para mabigyan ng mas agarang medikasyon dahil sa malubhang sugat na natamo.

Sa ngayon, ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP station para sa ikadarakip ng mga suspek.

No comments:

Post a Comment