Monday, September 19, 2016

MSWDO kasado na sa isasagawang meeting kaugnay sa mga Badjao na namamalimos sa Boracay

Posted September 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for badjao sa boracayKasado na ang isasagawang meeting bukas ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) Malay para sa mga Badjao na namamalimos sa Boracay.

Ayon kay Magdalena Prado, Municipal Social Welfare Officer,  nais nito na dumalo ang mga Law enforcers sa isla upang mapag-usapan ang iba pang aksyon na nararapat para sa mga  Badjao na pauli-ulit na bumabalik sa isla dahil sa kanilang pamamalimos na masakit tingnan sa mga mata ng mga turista.

Nabatid na ang mga ito ay makikita tuwing umaga sa gilid ng mga kalsada kasama ang kanilang mga maliliit na anak na ginagamit din para mamalimos habang ang iba ay makikita naman tuwing gabi sa front beach area.

Matatandaan na nitong nakalipas na buwan ay nagsagawa din ng operasyon ang MSWDO ngunit muli na namang bumalik ang mga ito matapos na pauwiin sa kani-kanilang mga lugar.

No comments:

Post a Comment