Monday, September 19, 2016

Aklan PPO may panawagan sa publiko ngayong panahon ng kapaskuhan

Posted September 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Aklan policeRamdam na ngayon ang kapaskuhan kung kayat mahigpit na namang nag-paalala ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa publiko.

Ayon sa APPO, panatilihing maging vigilante sa lahat ng oras upang maiwasan ang mga taong may masasamang binabalak na inaasahang magsusulputan sa mga susunod na araw.

Pinaalalahanan naman ang mga ito ingatan nila ang kanilang mga mamahaling gamit lalo na kapag pumupunta sa mga Mall at sa mga matataong lugar.

Maliban dito, mag-ingat din umano sa tuwing magwi-widraw ng pera sa mga bangko dahil sa mga modus operandi ng ilang mga may maiitim na balak.

Sa kabilang banda, agad umanong isumbong sa mga pulis kung mayroong mapapansing mga kahina-hinalang bagay sa paligid at tao upang agad na maaksyonan upang maiwasan ang nangyari kagaya ng pasabog sa Davao City nito lamang Setyembre.

No comments:

Post a Comment