Tuesday, September 20, 2016

Sasakyan na naka hit and run sa tatlong bata nitong Sabado, pagmamay-ari ng principal ng Ibajay NHS

Posted September 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by PNP
Principal ng Ibajay National High School ang nagmamay-ari ng sasakyang Suzuki type na naka hit and run sa nasabing bayan nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay PO1 George Regalado imbestigador ng Ibajay PNP, lumalabas na ang plaka ng nakabanggang sasakyan ay rehistrado sa pangalan ni Aurora Tabal principal ng nasabing paaralan at residente ng Poblacion Kalibo.

Ngunit inaalam pa umano nila ngayon kung siya talaga ang driver nito ng mabangga ang tatlong bata kung saan isa dito ang patay at dalawa ang nagtamo ng malubhang tama sa katawan.

Nabatid kasi na matapos puntahan ng mga pulis ang principal sa kanilang bahay ay bigla umano itong inatake sa puso at ngayon ay naka hospital arrest sa isang pribadong hospital sa bayan ng Kalibo.

Nabatid na ang tatlong bata ay nagbibisiklita sa Brgy. Naisud, Ibajay, Aklan ng mangyari ang insidente kung saan inutusan umano ang mga ito na bumili ng alak sa tindahan.

Samantala, sakaling ang principal ang siyang mapatunayang responsable sa aksidente ay mahaharap umano ito sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injury at Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

No comments:

Post a Comment