Monday, September 19, 2016

Comelec-Aklan “wait and see” parin kung matutuloy ang eleksyon

Posted September 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Comelec Aklan“Wait and See.”   

Ito parin ang status ng Comelec Aklan sa paghihintay ng paglabas ng resulta sa desisyon kung matutuloy ang Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay election sa Oktobre.

Sa panayam kay Comelec-Aklan Public Information Officer Crispin Raymund Gerardo, inaasahan umano nila na anumang oras ay ilalabas na ang desisyon nito na ngayon ay nasa   third at final reading na ng Kongreso.   

Ayon pa kay Gerardo sakaling anu man ang magiging desisyon nito ay nirerespeto ito ng kanilang tanggapan at tatalima sila sa mga magiging kauutusan.

Samantala, sakali naman umanong matuloy o hindi ang election pinasiguro naman ni Gerardo na handa na ang Comelec-Aklan.

No comments:

Post a Comment