Tuesday, September 20, 2016

“Oplan Sagip” ikinakasa na ng MSWDO at Boracay PNP

Posted September 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for badjao sa boracayIkinakasa na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Malay at ng Boracay PNP Station ang “Oplan Sagip” para sa mga Badjao at mga namamalimos sa Boracay.

Ayon kay Magdalena Prado, Municipal Social Welfare Officer, nais nilang ma-rescue ang tumataas na bilang ng mga Badjao at mga namamalimos sa Boracay kung saan itatawid naman ang mga ito sa Crisis Intervention Unit sa Argao kung saan sila pansamantalang mamalagi.

Nabatid kasi na paulit-ulit na bumabalik sa isla ang mga nasabing Badjao na nagmula pa sa mga malalayong lugar kung kayat gagawa ngayon ng hakbang ang MSWDO kung papaano ito maipapabalik sa kanila mismong lugar.

Samantala, kasama sa mga ere-rescue ay ang mga Minors, Street children at Street families.

No comments:

Post a Comment