Monday, September 19, 2016

PNP blangko parin sa naka Hit and Run sa tatlong bata sa Ibajay nitong nakaraang gabi

Posted September 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for road accidentHindi parin matukoy ng Ibajay Municipal Police Station kung sino ang responsable sa nakabangga sa tatlong bata nitong nakaraang gabi sa Naisud Ibajay, Aklan.

Dahil dito nananawagan ang mga pulis sa posibleng makakapagturo sa suspek na responsable sa aksidente na kung saan isa dito ang patay at dalawa ang nasa malubhang kundisyon.

Nabatid mula sa Ibajay PNP na naglalakad raw ang tatlong bata pauwi sa kanilang bahay bandang alas 10 ng gabi nang mabangga ng isang Rusco type na sasakyan na mabilis ring tumakas.

Masuwerte naman umanong nakuha ang plate number ng sasakayan matapos na sinundan ito ng mga kalalakihan gamit ang motor ngunit hindi na nakuhang maipatigil.

Ang biktimang si John Rex Baliguat 10 anyos ay idiniklarang dead on arrival nang isugod sa hospital habang nasa malubhang kundisyon parin ngayon si Christian Jake Baliguat 14-anyos at  Abe Taladtad 10 anyos na taga Sitio Atazon Naisud Ibajay Aklan.

Samantala, kung sino man umano sa nakakaalam ng plate number ng sasakyan na YCX 944 na siyang nakabangga sa mga bata ay agad na ireport sa Ibajay PNP Station.

No comments:

Post a Comment