Tuesday, September 20, 2016

Pagdating ng Legend of the Seas sa Boracay pinaghahandaan na ng mga otoridad

Posted September 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Legend of the SeasHindi lang doble kundi triple umano ang gagawing pagbabantay sa seguridad sa pagdaong ng MS Legend of the Seas sa isla ng Boracay ngayong Sabado.

Ito ay ang ika-ilang beses ng pagdaong ng nasabing barko sa Boracay na may sakay na pasaherong tinatayang aabot sa dalawang libong turista mula sa ibat-ibang bansa.

Ang Legend of the Seas ay hawak ng kumpanyang Caribbean Cruise Ship habang hawak naman ng Wallem Philippines ang tour nito sa Pilipinas.

Kaugnay nito lalo ngayong maghihigpit ng seguridad ang mga otoridad sa isla sa pangunguna ng Boracay PNP, Philippine Coastguard at ang Maritime Police.

Layun umano ng mga otoridad na maging ligtas ang mga sakay na pasahero nito kung saan ang paghihigpit umano ngayon ng mga ito ay dahil na rin sa umiiral na state of lawless violence na idiniklara ni Pangulong Duterte.

Samantala, kasado na rin ang mga lugar na pupuntahan ng mga sakay nito sa isla na inorganisa ng Jetty Port Administration.

No comments:

Post a Comment