Posted September 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambroona, YES FM Boracay
Balak ngayon ng
Sangguniang Bayan ng Malay lalo na ni SB Member Daligdig Sumndad na ihinto na o
i-ban ang pag-operate ng Fly Fish sa lahat ng mga Sea Sports Activity sa isla
ng Boracay.
Sa 12th Regular
Session na naganap nitong Martes, naging usapin ito dahil sa mga ipinakitang
larawan ni BAG Consultant Leonard Tirol kung saan laman nito ang mga litrato ng
mga turistang na-aksidente nang dahil sa pagsakay sa Fly Fish.
Sa presentation,
tumambad ang mga kawawang biktima kung saan ang ilan sa kanila ay nagtamo ng
samu’t-saring pinsala sa katawan at dislocation sa binti.
Kaya naman,
hinikayat ni Sumndad ang kapwa mga SB na i-ban itong klase ng water sports
activity upang maiwasan at wala ng mangyayaring kahalintulad na insidente.
Samantala, ini-refer
ang nabanggit na usapin sa Committee on Tourism na pinamumunuan ni SB Dante Pagsuguiron kung saan magpupulong
sila kasama ang mga Sea Sports Operators dito sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment