Posted June 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat handang-handa na ang Department of Education
(DepEd) Malay sa K to 12 program, hiniling naman ng District Office ang suporta
ng Sangguniang Bayan.
Ito ang ipinaabot ni Jesse Flores Public School District
Supervisor ng District Malay sa pagdalo nito sa ginanap na SB Session nitong
Martes kasama si Victor Supetran School Head OIC ng Boracay National High
School at Democrito Barrientos II OIC, Principal Manocmanoc Extension.
Nabatid na ipinatawag sa konseho ang DepEd para alamin
ang kahandaan ng mga ito sa pagsisimula ng implementasyon ng nasabing programa
ngayong pasukan kabilang na ang mga kursong pinili ng mga paaralan sa Malay.
Napag-alaman na ang Boracay National High School ay
nakapili ng kursong General Academic Strength (GAS), Technological Vocational Livelihood Education
(TVL) kung saan meron itong Combination 1 na may specialization na Home
economics at Hairdressing habang sa Combination 2 naman ay Bread and Pastry
Production, Food and Beverage Services, Local Tour Guiding at Tourism
Production na akma sa isla ng Boracay.
Samantala, tiniyak naman ng SB
Malay ang suporta sa bagong programang ito ng DepEd na siyang sinasabing
paghahanda sa mga kabataan sa kolehiyo at sa kanilang kinabukasan.
No comments:
Post a Comment