Wednesday, June 08, 2016

Electrician, inireklamo ang amo matapos paalisin sa trabaho

Posted June 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for doleHindi makapaniwala ang isang Electrician na nag-tatrabaho sa isang kumpanya sa Boracay matapos itong paalisin ng kanyang amo ng wala umanong kadahi-dahilan.

Nakilala ang biktima na si Jowisking Bernales 38-anyos residente ng Maayon, Capiz habang temporaryong nakatira sa Sitio Lugutan sa Brgy. Manoc-manoc.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, nasa trabaho umano siya ng tawagin ng kanyang amo at pinag-sabihan na tanggal na ito sa kanyang trabaho.

Ikinagulat naman umano ito ng biktima dahil wala naman umano siyang nakikitang dahilan para sisantihin ng kanyang amo.

Salaysay pa ng biktima bago ang insidente ay tinulungan niya lang umano ang kanyang katrabaho na ilang beses ng nade-delay ang sahod.

Nabatid, na mahigit isang taon ng nagtra-trabaho sa kanyang amo ang biktikma.

Samantala, idinulog naman ng Boracay PNP ang kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE).

No comments:

Post a Comment