Posted June
9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa Magsaysay Park building muna pansamantalang ilalagay
ang Congressional District Office ni Aklan-Representative Elect Carlito Marquez.
Ito’y matapos tanggapin ng Congressman ang paanyayang ito
ni Kalibo Mayor William Lachica, matapos na hindi pinagbigyan ni Governor
Florencio Miraflores ang kahilingan ni Marquez na maglaan ng opisina sa loob
mismo ng Kapitolyo dahil sa wala na umanong bakanteng lugar doon.
Napag-alaman na noong gobernador pa lamang si Marquez ay naglagay
ito ng Congressional District Office sa mismong Provincial Capitol sa loob ng
siyam taon kung saan si Miraflores pa noon ang Congressman hanggang sa naipasa
ito kay outgoing Representative Teodorico Haresco.
Kaugnay nito nag-hihintay parin umano ngayon ng kasagutan
si Marquez sa magiging desisyon ng gobernador para sa kanyang hinahangad na opisina
sa kapitolyo.
Samantala, hiling ni Marquez na magtulungan na lamang
umano dahil sa tapos na aniya ang politika at ito umano ang hinahanap at
makakabuti para sa mga Aklanon.
No comments:
Post a Comment