Monday, June 06, 2016

Lalaking nakasakit ng turista sa bar sa Boracay, bumagsak sa kulungan

Posted June 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongSa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ireklamo ng turista habang nasa loob ng bar matapos itong bumagsak sa kanyang likod dahil sa kalasingan.

Nakilala ang biktima na si Margaret Acero 23-anyos, isang Doktor at residente ng Makati City habang pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy.Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, naka-upo umano ang biktima at ang kanyang mga kaibigan sa loob ng bar ng biglang bumagsak sa kanyang likuran ang suspek na si Jason Talio dahilan para magtamo itong sugat ang kanyang baba, ulo at likod.

Nabatid, na lasing na lasing ang suspek ng mangyari ang insedente kung saan imbes na humingi ito ng tawad sa biktima ay tinawanan niya pa ito.

Sa ngayon, sa kulungan bumagsak ang suspek matapos siyang ipaaresto ng biktima sa mga pulis ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment