Thursday, June 09, 2016

Dalawang dayuhang turista, nabiktima ng kawatan

Posted June 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  

Image result for robberyNanlumo ang dalawang turista na nag-sumbong sa Boracay PNP matapos ang mga itong mabiktima ng magnanakaw habang sila ay naglalakad sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag kahapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Tong Ching Ling Angeline, 28-anyos Singaporean national at Tan Ye Ting, 27-anyos na isa namang Malaysian national.

Sumbong ng mga ito sa Boracay PNP, naglalakad umano silang dalawa sa kalsada ng nasabing lugar ng bigla nalang hablutin ang kanilang dala-dalang sling bag ng hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.   

Nabatid na naglalaman ang dalawang bag ng kani-kanilang cellphone, Mac Book Air, 300 Singaporean dollars, 200 US dollars at Philippine money na P12, 000.

Samantala, ini-imbestigahan na ng mga pulis ang nangyaring nakawan kung saan inaalam na rin ng mga ito kung may CCTV sa lugar upang makatulong na makilala ang suspek sa nangyaring robbery.

No comments:

Post a Comment