Posted June 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tapos na ang summer kung kayat naghahanda na ngayon ang
ilang mga establisyemento sa beach area ng Boracay sa pagpasok ng habagat.
Katunayan inihahanda na ng mga ito ng pangharang para sa
inaasahang paglakas ng hangin dahil sa naturang panahon.
Nabatid na unti-unti na ngayong lumalakas ang alon sa
karagatan ng Boracay dahilan para tangayin ang mga basura papunta sa
dalampasigan ng isla mula sa mga mainland at kalapit na isla.
Samantala, patuloy parin ngayon ang buhos ng maraming
turista sa Boracay kung saan karamihan sa mga ito ay foreign tourist.
Ang panahon ng Habagat ay inaasahang mararanasan sa
Boracay ngayong mga susunod na linggo hanggang sa buwan ng Oktobre.
No comments:
Post a Comment