Tuesday, June 07, 2016

Babaeng Service crew, ninakawan at tinangkang gahasain sa Boracay

Posted June 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nilooban ng magnanakawIsang babae ang dumulog sa himpilan ng pulisya upang isumbong ang nangyaring nakawan sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Sitio, Angol Brgy. Manoc-manoc Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Angeline Idala, 25-anyos na nagtratrabaho bilang isang service crew at residente ng Libacao, Aklan habang bigo namang matukoy ang suspek na nakasuot umano ng pulang jersey, nakasinturon at kayumanggi ang kulay.

Sumbong ng biktima, nagising nalang umano siya na may isa ng lalaki sa kanyang harapan at wala ng suot pang-ilalim dahilan para agad niya itong itulak papalayo, sabay mabilis na tumayo para sana paandarin ang ilaw ngunit, pinigilan siya ng suspek at mabilis na tumakas papalayo.

Samantala, ng makaalis na ang suspek ay dito napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang wallet na naglalaman ng pera.

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment