Monday, June 06, 2016

Pagtaas ng kaso ng mga nagpapakamatay sa probinsya ikinabahala ng PHO Aklan

Posted June 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for suicide
Naaalarma ngayon ang Provincial Health Office (PHO) sa pagtaas ng kaso ng pagpapakamatay sa probinsya ng Aklan ngayong taon.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health officer I, sampu ang kanilang naitalang kaso ng pagpapakamatay simula nitong Enero hanggang Mayo kung saan pito rito ay mula sa bayan ng Batan habang ang tatlo ay sa bayan ng Nabas, Malinao, at Malay partikular sa isla ng Boracay.

Sinabi nito na base sa 2014 World Health Organization Global Report, karamihan sa mga nagpapakamatay ay nasa edad 15-21 anyos na nakakaranas ng mental illness kagaya ng  nervous breakdown, bipolar disorder, depresyon; gayon din ang ibat-ibang klase ng trauma lalo na ang sexual abuse, at cyber bullying sa social media. 

Maliban dito, nagiging sanhi din umano ng pagpapakamatay ang drug addiction at eating disorder kabilang na ang problema sa pamilya, karelasyon, pera, cancer, HIV/AIDS at severe depression.

Samantala, nag-paalala si Cuachon na kung may maririnig umano silang may nagtatangkang  magpapakamatay ay dapat umano nila itong seryosohin sapagkat ito umano ay isang indikasyon na posible niyang wakasan ang kanyang buhay.

No comments:

Post a Comment