Posted June 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES FM Boracay
Nanginginig pa na nag-sumbong ang lalaking Steward sa
isang hotel sa Boracay PNP matapos itong tinutukan ng baril habang papauwi
galing sa inuman sa Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.
Sumbong ng biktima na si Aike Panuncio, 23-anyos residente
ng Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan kasama niya umano ang kanyang mga kaibigan na
umiinum sa lugar ng walang kadahi-dahilan ay lumapit sa kanila ang sinasabing apat
na lalaking suspek at kinumpronta.
Dahil dito nagpasya umano ang biktima at mga kasamahan
nito na umalis nalang sa lugar upang makaiwas sa gulo.
Ngunit hinabol umano sila ng mga suspek hanggang sa
nagpang-abot na ang mga ito.
Ayon pa sa biktima isa umano sa mga hindi nakilalang suspek
ang tumutok sa kanya ng baril ngunit agad umano siyang tumakbo papalayo
hanggang sa nag-sumbong na ito sa mga pulis.
Samantala, napag-alaman na agad ding tumakas ang suspek kasama
ang iba pang lalaki sakay ng motorsiklo.
No comments:
Post a Comment