YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 07, 2016

Marine Conversation Camp para sa Filipino Youth sa Boracay, nagsimula na

Posted June 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Young Southwest Asian Youth leaders Initiative (YSEALI) SeaNagsimula na kahapon ang Marine Conversation Camp sa isla ng Boracay para sa mga Filipino Youth ng Young Southwest Asian Youth leaders Initiative (YSEALI) Sea at Earth Advocates (SEA) Camp na magtatapos ngayong linggo.

Ito ay proyekto naman ng Save Philippine Seas (SPS) at U.S. Embassy sa Manila kung saan kahalintulad din ito sa UN World Oceans Day, Coral Triangle Day, at Philippine Independence Day.

Layunin ng YSEALI SEA Camp ay magbigay ng kaalaman sa mga Filipino Youth na may edad 18 hanggang 23-anyos na makibahagi sa malaking tungkulin sa konserbasyon.

Nabatid na dalalawangput lima naman ang kasali rito na galing sa ibat-ibang bahagi kapuluan sa bansa ang napili mula sa apat na raang aplikante. 

Maliban dito, sasailalim ang mga lalahok sa intensive leadership at environmental education program, educational activities katulad ng panel discussion, workshops, snorkeling at site visits sa turismo ng Boracay.

Samantala, sa huling dalawang araw naman ng SEA Camp, ang mga partisipante ay itutuloy ang apat na proyekto dito sa Boracay na kinabibibilangan ng waste management initiative na ang layunin ay mabawasan ang paggamit ng straws at sachets.

No comments:

Post a Comment