Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakakatakdang ipahinto ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
ilang ginagawang building construction sa isla ng Boracay dahil sa violation sa
2014 revised municipal ordinance 267 na-adopted ordinance 631 ng LGU.
Ito ang napagkasunduan kahapon sa ginanap na SB Session
ng Malay matapos ang naging privilege speech ni SB member Frolibar Bautista
tungkol dito.
Ayon kay Bautista magpapadala umano sila ng sulat sa
building officials ng LGU Malay kaugnay nito upang maisyuhan ng stoppage order
ang mga hindi sumunod sa revised ordinance.
maliban dito gagawa rin umano sila ng inventory ng ongoing
construction building sa Boracay upang mapahinto ang nag-violate sa open
spaces, height limit at setback na nakapaloob sa ordinansa.
Nabatid na kaliwat-kanan parin ngayong ang mga ginagawang
construction building sa isla ng Boracay mapa beach area man o main road
area.
No comments:
Post a Comment