YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 07, 2016

Malaking kumpanya sa bansa balak na palagyan ng tulay ang Boracay

Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tulayLumutang ngayon ang balita na isang malaki at kilalang kumpanya sa bansa ang nagbabalak na palagyan ng tulay ang isla ng Boracay na mag-kokonekta sa mainland Malay.

Ito ay may taas umanong 1.9-kilometer habang ang pondo ay tinatayang aabot sa P4.6 billion.

Nabatid na ang connectivity project umanong ito ay para sa kaganihawaan ng mga turista kung saan maaari umano ang mga itong manuluyan sa Caticlan at e-enjoy lamang ang view ng Boracay upang makaiwas sa sikip at problema sa mga sewerage.

Ang pahayag namang ito ay nag-resulta ng ibat-ibang reaksyon mula sa publiko lalo na sa mga taga-Boracay kung saan ang ilan ay pabor rito at ang ilan naman ay tila tutol sa pinaplanong proyekto.

Maalalang napag-usapan na noong nakaraang taon sa SB Session ng Malay ang pagpapatayo ng tulay sa Boracay ng isa ring malaking kumpanya mula naman sa ibang bansa.

No comments:

Post a Comment