Tuesday, May 24, 2016

Spanish national, nagbiktima ng pagnanakaw sa Boracay

Posted May 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay      
 
Cellphone at bag na naglalaman ng cash ang natangay mula sa isang turistang Spanish national sa beach front sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon ng madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Carmen Maria Gomez Granda 36-anyos sa mga pulis, naka-upo umano siya sa dalampasigan kung saan nilagay niya sa kanyang gilid ang bag.

Ngunit makalipas umano ang ilang minuto ay isang lalaking nakasuot ng sombrero ang mabilis na lumapit sa kanya at tinangay ang bag nito.

Sinubukan pa umanong habulin ng biktima ang suspek pero bigo niya itong maabutan.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente kung saan hindi parin ngayon matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

No comments:

Post a Comment