Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay
Nakilala ang
nagre-reklamo na si Jeric Santiago, Caretaker ng Araneta property at nakatira
sa nasabing lugar.
Sumbong ng
biktima sa mga pulis, bibili umano ito ng sigarilyo sa tindahan ng madaanan
nito ang isang grupo ng kalalakihan na umiinom sa lugar.
Dito umano siya
hinarang at mabilis na sinuntok ni alyas “Bryant” na tumama naman sa kanyang
kaliwang mata dahilan para agad itong mamaga.
Agad namang
pinuntuhan ng mga pulis ang nasabing grupo sa lugar ngunit bigo na ang mga
itong mahagilap.
Napag-alaman na
fiesta sa nasabing lugar ng maganap ang insidente kung saan naglipana naman ang
mga lasing.
No comments:
Post a Comment