Monday, May 23, 2016

Boracay Festival Queen 2016, nasungkit ng Jony’s Beach Resort

Posted May 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nasungkit ngayon ng Jony’s Beach Resort ang korona ng Grand Boracay Festival Queen 2016 sa ginanap na Flores De Mayo noong Sabado Mayo 21 sa Hennan Beach Resort.

Nakilala ang bagong nag-niningning na Reyna Elena na si  Jaycee Ann Dagui na siyang representanti ng Jony’s Beach Resort  na siya ring humakot ng award na Best in Floral Arc at  Best in Dressed Reyna.

Kung saan nakuha rin ng kanyang partner na si Jayson Dapilaga ang Best Escort category.

Samantala, nakuha naman ng Yes Fm ang 1st  runner up Festival Queen  habang 2nd runner up naman ang Alta Vista De Boracay Resort  Festival Queen.

 
Nabatid na ang Flores De Mayo ay taunan nang ginagawa kung saan nabubukod-tangi ito dahil sa ang parada ng mga reyna ay ginagawa sa dalampasigan at hindi sa kalsada.

Gayundin, upang mapanatili at maipakita ang importansya ng kulturang pinoy sa mga turistang nagbabakasyon sa isla.

No comments:

Post a Comment