Monday, May 23, 2016

LGU Kalibo, planong magsampa ng kaso laban sa traffic lights contractor

Posted May 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for lgu kaliboNasa-plano ngayon ng Local Government Unit ng Kalibo na magsampa ng kaso laban sa traffic lights contractor sa Kalibo, Aklan.

Ito’y matapos hanggang ngayon ay hindi parin operational ang mga traffics light na itinayo nitong mga nakaraang buwan.

Ayon kay Engr. Marlo Villanueva, municipal planning and development coordinator, hindi parin natatapos ang ginagawang installation at construction ng traffic lights kung saan dapat nitong unang linggo pa ng buwan ng Mayo ay natapos na ito.

Nabatid na ang itinayong traffic lights ay pinunduhan ng municipal government ng Kalibo na may budget na P1.960-million para maibsan ang matinding trapiko sa ilang lugar sa nasabing bayan.

Samantala, isa sa mga nilagyan ng traffic lights ang crossing Banga-New Washington kung saan madaming dumaraang motorist dahilan para tanggalin din ang rotunda Sarok sa nasabing area.

No comments:

Post a Comment