Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ang dalawang turista matapos mabiktima ng kanilang
“Modus Operandi” ang kapwa turista sa pamamagitan ng “LagLag Jacket” habang
naliligo sa dagat sa station 1, Boracay kaninang madaling araw.
Sa report ng mga pulis nakilala ang biktima na si Jay-r
Almen, 22-anyos isang Sales clerk, temporaryong nakatira sa isang resort sa
isla, habang kinilala ang dalawang suspek na sina Carl Queto 18-anyos at Pamela
Guidaben 22-anyos kapwa residente ng Metro Manila.
Salaysay ni Almen sa Boracay PNP, nilapag niya umano ang
kanyang bag sa may dalamapasigan bago maligo sa dagat kasama ang kaibigan.
Ngunit ilang minuto umano ang nakalipas ay napansin
nalang ng biktima na nawawala na ang kanyang bag sa pinaglagyan nito dahilan
para agad itong magsumbong sa mga pulis.
Nabatid na base sa imbestigasyon ng mga pulis at ng
witness na nakakita sa ginawa ng mga suspek, hinulugan umano ng isa sa suspek
ng jacket ang bag ng biktima sabay hablut at mabilis na tumakas papapalayo.
Samantala, nag-lalaman ang bag ng dalawang cellphone, mga
mahahalagang I.D at cash na nagkakahalaga ng P8, 500.
Sa ngayon, ang dalawa ay pansamantalang iki-nustudiya sa Boracay
PNP station habang inaantay kung magsasampa ng reklamo ang biktima.
No comments:
Post a Comment