Tuesday, May 24, 2016

23-anyos babae patay, matapos mag-suicide sa pamamagitan ng pagbitay sa sarili

Posted May 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nagpakamatay na babaeWala ng buhay ang isang 23-anyos na babae matapos umano itong mag-suicide sa pamamagitan ng pagbitay sa sarili sa kanilang bahay sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, humingi umano ng tulong sa kanila ang step-father ng biktima kung saan sa pagrespondi nila sa lugar ay dito nila nadatnan na nakabitay na ang dalaga sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid gamit ang extension wire.

Naisugod pa umano ang biktima sa isang pagamutan sa isla ngunit idiniklara naman itong dead on arrival ng sumuring doktor na si Dr. Krystin Wenceslao.

Base naman sa salaysay ng amain ng biktima, bago umano maganap ang insidente ay nagkaroon umano ng okasyon sa kanilang tahanan nitong linggo.

Ngunit ng matapos umano ito bandang alas-8 ng gabi ay dito biglang nawala ang biktima at makalipas ang ilang minutong paghahanap ay dito na tumambad sa kanya ang nakabitay na katawan ng biktima sa loob ng kwarto.

Samantala, patuloy namang inaalam ng mga pulis ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalagita at iba pang anggulo sa nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment