Posted May 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakapaglatag na ngayon ng preparasyon ang taga Provincial
Disaster Risk Reduction & Management Council sa probinsya ng Aklan, para sa
pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Sa panayam kay PDRRMC Officer 4 Head Galo Ibardolasa, naka-alerto
24 na umano ngayon ang kanilang mga tauhan kasabay ng patuloy na ginagawang
monitoring sa mga lugar na kadalasang binabaha.
Maliban dito nakahanda na rin umano ang kanilang mga
equipment at staff ng MDRRMC sa lahat ng bayan kung saan ikinatuwa din nito na
maging ang mga residente ngayon ay kanya-kanya na ring paghahanda sakaling may
dumating na kalamidad.
Nabatid na ilang araw na ngayong nararanasan ang pag-uulan
sa lalawigan ng Aklan bunsod ng nag-babadyang pagpasok ng panahon ng Habagat at
La NiƱa.
No comments:
Post a Comment