Wednesday, May 25, 2016

Waiter ng isang hotel sa Boracay, ini-reklamo ng pagnanakaw Posted May 25, 2016

Posted May 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Police investigationIni-reklamo ngayon ng HR head ng isang hotel ang kanilang waiter matapos umano silang pagnakawan sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, sinabihan umano ng nag-rereklamo ang kanyang katrabaho na ang perang nagkakahalaga ng P8, 000 hanggang P10, 000 ay nawawala na  sa may tip box.

Dahil dito tiningnan umano nila ang CCTV footage at dito ay nakita nila na pumasok ng maaga pa ang waiter na suspek sa loob ng establisyemento at kinuha ang halaga ng nasabing pera.

Nabatid na naka on-leave ang suspek ng madiskobrehan ang naturang pagnanakaw.

Samantala, ang naturang insidente ay kasalukuyang ngayong iniimbestigahan ng Boracay PNP  Station.

No comments:

Post a Comment