Posted May 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Halos dalawang taon na ng manalasa ang bagyong Yolanda sa
probinsya ng Aklan, ngunit hindi parin umano nakukuha ng buo ng mga gurong
apektado ang kanilang financial assistance.
Ito ang sinabi ni Dr. Ernesto Servillon Jr. – Asst.
Schools Division Superintendent kung saan nag-aantay parin umano sa ngayon ang
mga guro ng kanilang second tranche o pangalawang parte ng kanilang dapat na
matatanggap na financial assistance mula sa gobyerno.
Nabatid na ang apektadong guro na totally damage ang
bahay ay makakatanggap ng 100, 000 pesos habang ang partially damage ay 30,000
pesos.
Ayon kay Servillon, natanggap na umano ng mga biktima ang
kanilang 50% na assistance, ngunit bago umano nila makuha ang kalahati ay
kailangan pa nilang i-liquidate ang nauna nilang natanggap.
Samantala, minamadali na rin umano ng kanilang accounting
office na matapos na ang mga kinakailangang dokumento para matanggap na ng mga
guro ang kalahati ng kanilang assistance.
No comments:
Post a Comment