Tuesday, May 24, 2016

Kalibo Traffic Lights sinampulan

Posted May 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for traffic lightsSinampulan na nitong Lunes ang Traffic Lights sa bayan ng Kalibo.            

Ito’y matapos ang pagbabalak ng LGU Kalibo na magsampa ng kaso laban sa contractor nito dahil sa bigong makapag-operate sa itinakdang oras.

Nabatid na kahapon ng hapon ay nagkaroon ng testing sa itinayong traffic lights sa crossing Banga-New Washington sa kalagitnaan ng malakas na buhos ng ulan at matinding trapik sa lugar.

Dahil dito nagkaroon naman ng pagbabago sa mga motorista ngunit naging organisado naman sa kabila ng pagsunod sa sign ng traffic lights.

Napag-alaman na dapat nitong unang linggo pa ng buwan ng Mayo natapos ang pagpapatayo ng mga traffic lights sa lugar kasama na ang pag-operate ngunit nabigo sa pagsunod ang contractor sa pagtakda ng tamang petsa.

No comments:

Post a Comment