YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 25, 2016

Kaso laban sa sinasabing biktima ng "tanim bala" sa Caticlan Airport dapat ibasura-Acosta

Posted May 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by. PIA
Ipinapabasura ni Hon. Persida Rueda-Acosta, Chief Public Attorney’s Office (PAO) ang kaso laban sa biktima umano ng insidente ng "tanim bala" sa Caticlan Airport  nitong Abril 28, 2016. 

Ito’y matapos siyang dumalo sa hearing kahapon sa Aklan Regional Trial Court Branch 6 kasama ang sinasabing biktima na si Jerome Flores Sulit at ang asawa nito sa pagdalo sa nakabinbing kaso sa nasabing korte.  

Dahil dito hiniling sa korte ni Acosta na ibasura ang kaso laban sa mag-asawa dahil naniniwala umano ito na walang kasalana si Sulit.

Ayon pa dito, nagsampa na rin umano sila ng motion to squash, motion for determination ng probable cause at motion para suspendihin ang arraignment ni Jerome kung saan kinasuhan ito ng RTC Branch 9 ng illegal possession of ammunition.

Matatandaang galing sa bakasyon sa isla ng Boracay ang mag-asawa ng makitaan umano ang mga ito ng 14 na bala ng kalibre 22 sa loob ng sling bag kung saan dito sila inaresto at ikinulong.

Samantala, iginiit pa ni Acosta na hindi na kailangang kasuhan si Sulit dahil wala naman siyang intent to possess kung saan hindi naman umano dapat makukulong ang tao dahil sa bala lang dahil sa ang ammunition umano ay dapat may bullet may gunpowder, may primer, may cartridge at gagamitin sa baril.

No comments:

Post a Comment