Monday, February 15, 2016

Turn Style para sa Aklanon passengers sa Caticlan Jetty Port ready to operate na

Posted February 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Caticlan Jetty PortNa-install na ngayon ang mga turn style machine sa Caticlan Jetty Port para sa area na dadaan ng mga Aklanon residents at workers sa isla ng Boracay.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Administration, nailagay na umano ngayon ang mga nasabing machine ngunit hindi pa ito nasisimulang e-operate.

Bago umano gumamit nito ay kailangang ipakita ng mga dadaan kung sila ay Aklanon residents o manggawa sa isla saka sila bibigyan ng gate pass o ticket na may bar code na siya namang susuriin ng machine.

Layun umano ng paglalagay nito ay para maiwasan ang mga manloloko na ayaw magbayad ng Terminal at Environmental Fee sa tuwing magbabakasyon sa Boracay kung saan nagpapanggap ang mga itong residente ng Aklan.

Samantala, pinayuhan naman ni Pontero ang mga residente at mga nag-tratrabaho sa Boracay na kailangan nilang dalhin palagi ang kanilang I.D tuwing dadaaan sa port upang hindi sila masita ng mga nagbabantay.

No comments:

Post a Comment