Monday, February 15, 2016

Ibat-ibang plataporma ng Kasangga Patrylist ilalahad ngayong araw sa conference

Posted February 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for kasanggaNgayong araw na ang nakatakdang press conference ng Kasangga Partylist para iprisinta ang kanilang plataporma at 3-year strategic Plan.

Maliban dito, ipapakilala din nila ang 1st at 2nd nominees ng Kasangga para sa darating na halalan sa May 9 2016.

Nabatid na ang 1st nominees rito ay si Vice Governor Billie Calizo-Quimpo at ang 2nd nominees ay nagmula naman sa probinsta ng Antique.

Kaugnay nito ang nasabing press conference ay dadaluhan ng mismong mga opisyal ng Kasangga kung saan imbitado rin ang lahat ng Media sa Aklan.

Ang naturang conference ay gaganapin sa Primavera Café Deli, Ground Floor Salas-Quimpo Bldg. 19 Martyrs St. Kalibo, Aklan ng alas-10 ng umaga.

No comments:

Post a Comment