Posted February 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Arestado ang isang lalaki sa paglabag sa Comelec gun ban matapos
mahulihan ng kutsilyo at mambanta sa isang mag-anak sa Brgy. Badio, Numancia,
Aklan kagabi.
Nakilala ang naarestong si Randy Sogulon y Castillo,
32-anyos at residente ng Brgy.Marianos, ng nasabi ring bayan.
Ayon kay P03 Nida Gregas ng APPO, nagreklamo umano si
Violeta Sarabia, 66-anyos sa Numancia MPS matapos silang sugurin ni Randy sa
kanilang bahay at hinahanap ang kanyang anak na lalaki.
Maliban dito tinakot umano sila ng suspek na babalik ito
at uubusin niya sa kanila ang isang magazine ng baril kung saan nagresulta
naman ito ng takot sa pamilya.
Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar at doon ay
mabilis nilang nahuli ang suspek na si Randy kung saan nakuha sa kanya ang
kutsilyo na may habang walong pulgada.
Sa ngayon ang suspek ay naka-kulong na sa Numancia MPS
habang inaantay ang itinakdang kaso sa paglabag sa Comelec Gun ban at sa
pananakot sa mga biktima.
No comments:
Post a Comment