YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 16, 2016

Comelec Malay, nagpalabas ng panuntunan para sa local absentee voting

Posted February 16, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Naglabas ngayon ang Commission on Election (COMELEC) Malay ng panuntunan kaugnay sa local absentee voting sa nalalapit na May 9 election.

Ito ay kinabibilangan ng mga opisyal ng gobyerno, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Media.

Ang pagbobotohan umano sa nasabing local voting ay ang posisyon ng Presidente, Bise-presidente, Senador at Partylist.

Dito may inilabas naman na guidelines ang Comelec kung saan magre-rehistro ang mga miyembro ng local absentee voter sa kanilang mga tanggapan.

Samantala, pinayuhan naman ng Comelec ang mga boboto na mag-uumpisa ang pag-paparehistro sa March 7 at ang voting period ay sa Abril 27, 28, 29, 2016

No comments:

Post a Comment