YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 17, 2016

Danyos sa nangyaring sunog sa Yapak Boracay kagabi, umabot sa P1 milyon

Posted February 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Tinatayang umabot sa mahigit kumulang isang milyon umano ang pinsala sa nangyaring sunog sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay kagabi.

Ito ay base sa pahayag ng may ari ng bahay na si Luzvimenda Co sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Boracay Fire Inspector Johnny Comoda.

Sa report sinasabing dalawang palapag ang bahay nito kung saan sa ground floor umano ang kwarto nito at tindahan.
Photo Credit: Rb Bachiller


Sa ikalawang palapag naman ay ang pina-uupahang kwarto nito,  na sinasabing dito nagumpisa ang apoy.

Mabilis naman umanong natupok ang bahay nito dahil sa gawa lang ito ng light materials.

Nagkaroon naman umano ng galos ang caretaker nito dahil sa pagsalba sa ilang kagamitan sa loob ng bahay ng biktima.

Samantala, patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng BFP Boracay para malaman kung ano ang sanhi ng nangyaring sunog.

No comments:

Post a Comment