Posted February 17, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Isa sa mga layunin ni Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo ang matutukan ang mga maliliit na negosyo sa probinsya ng Aklan.
Ito ay sa sandaling siya ay papalarin na maging
Representative ng "Ang Kasangga Partylist" kung saan isa siya sa 1st nominees.
Ayon sa Bise Gobernador bibigyan niya ng pansin ang mga
mangingisda at mga magsasaka gayon din ay tututukan niya ang produkto na
makikita mismo sa probinsya upang lalong lumago.
Layun umano ng Kasangga na mapalakas ang mga maliliit na
negosyo hindi lang sa Aklan kundi maging sa buong Pilipinas.
Nabatid na magtatapos na ang panunungkulan ng
Bise-Gobernador bago ang eleksyon kung kayat nais naman niyang pasukin ang
Partylist kung saan nagsimula din siya sa maliit na negosyo.
No comments:
Post a Comment