Wednesday, February 17, 2016

Budget ng Solid Waste Management, tinalakay sa SB session

Posted February 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Tinalakay sa 7th Regular SB Session ng Malay ang Budget ng Solid Waste Management.

Ito ay sa pangunguna ni SB Rowen Aguirre kung saan nagkakahalaga ito ng P72, 884, 822.47.

Ang nasabing budget ay nagmula sa Environmental Fee na kita sa mga turistang nagbakasyon sa isla ng Boracay.

Nakasaad dito na ang Budget ay gagamitin umano sa mga Construction of Comfort Room, Construction of Sanitary Landfill, Office Equipment, Machineries, Construction of heavy equipment, Purchase of Dump/Garbage trucks, Purchase of Water Pump at Purchase of Garbage Bins.

Sa kabila nito muling tatalakayin ang naturang budget dahil sa hindi pa ito natatapos kung saan sinuspende ang nasabing session kahapon matapos magkaroon ng importanting meeting ang mga LGU officials.

No comments:

Post a Comment