Monday, February 15, 2016

Assistance para sa Medical responders ng BAG naiturn-over na

Posted February 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naibigay na ang P94, 000 financial assistance para sa anim na medical at fire responders ng Boracay Action Group (BAG).

Ito ay nanggaling kay Commo Greg Barnes ng PCGA kung saan mismong siya rin ang nag-abot ng halaga sa mga responders sa pangunguna ni BAG Consultant Commodore Leonard Tirol.

Ang mga mga nasabing medical responders ay kinabibilangan ng tatlong nurse, ambulance at speedboat drivers.

Nabatid na ang mga responders ng BFRAV sa ilalim ng BAG ay pansamantalang pinahinto ang operasyon ng LGU Malay dahil sa hindi pa naaprobahan ang kanilang budget ng Sangguniang Bayan.
Sa ngayon nagpapatuloy naman ang kanilang serbisyo dahil sa naturang tulong ni Barnes habang hindi pa aprobado ang kanilang budget.

No comments:

Post a Comment