Posted February 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Unang lumanding ang Poe-Escudero tandem sa siyudad ng
Iloilo City para sa pangangampanya sa darating na eleksyon nitong Martes.
Ginanap ang rally sa Jaro City kung saan dinaluhan naman
ito ng libo-libo nilang supporters kasama ang iba pa nilang kapartido at
supporters sa Iloilo.
Sumunod na araw ay rumatsada naman ang dalawa sa kalapit
na probinsya ng Aklan kung saan game na game ang tandem sa kanilang mga radio
station guesting at sinundan naman ang pangangampanya ng kapareho ring araw sa
siyudad ng Capiz na ginanap sa CAP Auditorium.
Napag-alaman na tinanggihihan ng mga paaralan sa Roxas
City na mangampanya ang grupo kung saan ito ang itinuturing na balwarte ng
mahigpit na katunggaling si Mar Roxas at ng LP.
Nabatid na ang Poe-Chiz tandem ay sinalubong nina former
Governor Carlito Marquez at Kalibo Mayor William Lachica kung saan pagkatapos
ng kanilang close-door meeting ay sinundan naman ito ng pagpapasinaya sa
kanilang headquarters sa bayan ng Kalibo.
Samantala, sumunod na nangampanya si Senatorial Candidate
Isko Moreno sa bayan ng Altavas at Balete at sa iba pang kalapit na lugar sa
probinsya.
No comments:
Post a Comment