Posted
February 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka-abot kay Presidential candidate Sen. Grace Poe ang
problema sa mga daungan sa isla ng Boracay sa ginanap na press conference
nitong Miyerkules sa bayan ng Kalibo.
Ayon sa Senadora, kulang umano sa dredging ang mga
pantalan sa isla na kinabibilangan ng
Cagban at Caticlan Jetty Port.
Sinabi nito na overnight na nag-aantay ang mga pasahero
sa pantalan dahil sa hindi makadaong ang mga bangka.
Ipinunto pa ni Poe na dapat ang Local Government ang
mag-ayos nito kahit na may share sa kita ang probinsya para mas madali ang
pagbiyahe ng mga bangka at walang antayan.
Dagdag pa nito na kailangang ma-expand ang pagkakataon ng
turismo sa Aklan dahil sa ang airport umano ay masyado ng barado kung saan
kailangan ng magdagdag ng isa pang run-way at terminal para sa mga pumupuntang
bakasyunista sa probinsya.
Samantala, matapos ng nasabing conference ay nagkaroon
naman ang Poe-Escudero tandem ng close door meeting sa Aklan supporters sa
pangunguna ni Carlito Marquez na tumatakbong gobernador, Mayor William Lachica
at ni Rodson Mayor na sinundan naman ng ribbon cutting ng kanilang headquarters
sa Kalibo.
marami naman bangaka,,bakit nakatambay lang iba??bakit kukunti lang nag ooperate??ang naging dahilan pa para bumagal eh yung nag peperma sa waiver..di ba pwede pasakayin lang muna pasahero,,tapos doon na mag peperma habang tumatakbo,,tsak doon nalang mag check coastguard sa kabila,,,yun ang matinding delay eh,,at kulang pa mga bangka,,tsk tsk
ReplyDelete