Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na ang itinakdang deadline ng Local Government Unit
ng Malay para sa Business Permit ngayong taon Pebrero 20, 2016.
Dahil dito, ang tanggapan ng Treasurers Office ng Malay
ay bukas ngayong araw ng Sabado simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon
para sa mga magbabayad.
Ayon kay Alecia Manlabao ng Treasurers Office, mago-overtime
sila para mapagsilbihan ang mga magbabayad bukas.
Nabatid na dapat noong Enero pa ang deadline ng naturang
permit ngunit hiniling ito sa Sangguniang Bayan ng Malay na e-extend ito
hanggang Pebrero 20, 2016.
Samantala, ang hindi nakahabol sa mga business permit sa
itinakdang deadline at hindi nakapagbayad sa Treasurers Office ay mahaharap
naman sa penalidad.
No comments:
Post a Comment