Thursday, February 18, 2016

Dalawang magkaibigang lalaki, binugbog ng hindi nakilalang mga suspek

Posted February 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Bugbug sarado ang dalawang magkaibigan matapos tambangan kaninang madaling araw sa Sitio, Sinagpa, Balabag, Boracay.

Kinilala ang dalawa na si Frederick Ptrotacio 27-anyos at John Rey Arroyo 21-anyos nakatira sa nasabing lugar.

Sumbong ng mga ito sa Boracay PNP, bumili umano sila ng tinapay sa isang bakery sa naturang lugar kung saan ng papauwi na ang mga ito ay bigla nalang silang tinambangan at pinagsusuntok ng dalawang hindi nakilalang kalalakihan na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin.

Nagtamo naman ng pasa sa kanang mata si Protacio habang si Arroyo naman ay sa kaliwang leeg nito.

Sa ngayon, ang kaso ay ini-refer naman ng mga pulis sa Brgy. Justice System ng Balabag habang patuloy ding inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga sinasabing suspek.

No comments:

Post a Comment