Posted February 16, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Bilang pagtalima sa kauutusan ay nakatakda ngayon ang
Civil Registry Law at Philippine Statistics Authority, Aklan Provincial Office
na magdidiwang ng Registration Month Civil sa taong ito na may temang “Makiisa… Makisali sa Dekadang CRVS.”
Ayon kay Antonet Catubuan, OIC-Provincial Statistics
Officer, ang naturang selebrasyon ay may kaugnayan sa global advocacy sa
paghikayat sa lahat na magrehistro at e-promote ang awareness sa importansya ng
civil registration sa buhay ng bawat Filipino.
Sinabi din nito na ang civil registration at vital
statistics (CRVS) ay nagsisilbing batayan para sa pagbabalangkas ng mga
programa sa kalusugan, population projection at mga gawain katulad ng
policy-making ng pamahalaan para sa panlipunan at pang-ekonomiyang paglago.
Ang naturang month-long celebration ay isa ring paalala
sa mga magulang, records clerk, midwives, traditional “hilot” at iba pang
informant na ang registration ay isang compulsory at ito ang pangunahing
responsibilidad para makapagbigay ng tama impormasyon sa panahon ng
registration para maiwasan ang maling entry civil registry documents.
No comments:
Post a Comment